Instagram

Wednesday, February 14, 2007

ano ang mas matimbang? / Filipino Hospitality / Others

[migrated from livejournal]


1st entry:

naisip ko lang kanina, habang nagpapalipas ako ng oras para matapos ang traffic coding scheme:

ano ang mas matimbang? ano ang mas pipiliin mo?

* maging mag-isa dahil pinili mong maging mag-isa o
* maging mag-isa dahil ayaw sa iyo ng iba.

ewan ko ba kung bakit ko yan naisip. gutom? haha. siguro. di ako kumain the whole day. except for 1 slice of bread with peanut butter. anyway, getting back to the choices.

inisip ko, mas okay na siguro yung maging mag-isa dahil ayaw sa iyo ng iba...kasi kung ikaw yung pumili...parang ang lungkot eh. sino bang gugustuhing maging mag-isa? kung ayaw sa iyo ng iba masosolusyunan pa yun...ewan ko. depende nalang siguro sa tao yun.

------
2nd entry:

Matapos ang fair, matapos mapagod, matapos ang lahat lahat...nagising ako ng 11:20 para malaman na hindi na ako aabot sa irc meeting. grabe...grabe...

hindi na ako masyadong nagmadali pumasok kasi masakit pa ang paa ko sa pagod...sa kakatayo, sa kakalakad lakad at lahat lahat na. dumating ako sa UP ng mga 1. Diretso dapat kina kuya emil para kumain pero sarado (buti nalang! hahaha)...so diretso ako run sa may tindahan malapit sa landbank...inom ng c2 at nagpapahinga relax relax =).tapos habang nakaupo ako sa tabi ng tindahan, isa sa mga teller ng landbank nakita kong papalapit. malakas tugtog ng ipod ko kaya di ko unang pinansin pero ako pala ang tinatawag.

pinatay ko ang ipod. nagiisip kung ano kaya kailangan nito.
then sabi punta raw ako sa office. (isip ko. huh? ano kayang nagawa kong masama? <-hahahah) pasok daw akong office dahil magpapatulong sa akin sa ipod yung kaibigan niyang teller (yung bading na teller. si federico ata yun. narinig ko dati.) okay. sabi ko sunod nalang ako matapos ko uminom.

sige matapos kong uminom, dumiretso ako sa kotse. (isip isip ko...hehehehe baka inisip nila tumakas ako.) pero siyempre hindi...umiral pagkapilipino ko. kinuha ko pa laptop ko sa parking lot para maipakita ng maayos. naready ko na ang aking teaching approach at nangailangan to ng laptop.

pagbalik ko na. nakita ko yung babae na nakadungaw sa labas ng landbank. (isip ko. sabi ko na nga ba inisip na tatakas ako) pero ayun. pagpapasok na ako eh nakasunod sa akin ang tingin ng sekyu na nakasunglass...(isip ko...ano kaya ang iniisip nito tungkol sa mga pangyayari. hindi naman niya siguro alam yung intention nung mga telelr)

ayun. tinuruan ko si federico tungkol sa itunes at paano mag upload ng folders etc etc. pero...hindi na ako nagulat na hindi karamihan ng tao na may access sa internet ang nakakaalam sa mga torrents. nagtanong kasi siya sa akin kung saan ako nagdadownload ng songs. sa goolge daw ba. (isip isip ko...hehehe dati duon ako naghahanap nung nagsisimula palang akong mahumaling magdownload download.) sabi ko naman torrents ang ginagamit kong paraan para makakuha ng mga kanta kanta.

ayun...sana naman may natutunan siya. at nang matapos na ako mag turo turo nagtanong siya kung ano ang gusto kong music.

sagot ko pop. (isip ko...pop ang gusto kong music pero mas hilig kong mauna ko nang pagsawaan bago pa sumikat. kaya nga pag may mga bagong album ang mga kilala ng mga singers eh hinahanapan ko na agad ng full album at yun na ang music of the week/month ko) tanong niya kung meron akong westlife. sagot ko wala. (isip isip ko. hindi ba wala na sila? wala na akong nariring sa kanila...wala na ba ako sa pop culture o iba lang ang culture ng music na sinusundan ko) tanong pa siya kung merong akong...yung yung...parang christian bautista...mala opera...sagot ko josh groban? ayun! sabi niya. sagot ko...wala po...sabay ngiti na parang pag nagiggle ako. sinabi ko kasi nung mga oras na to nilalagyan ko na ng pussycat dolls ang shuffle niya...tapos sabi ko nilalagyan ko. tapos tanong ko? gusto mo rin ba lagyan ko ng madonna, mariah carey. meron din akong 80s song...pero di ko na nilagay kasi di na kasya. 600mb lahat yun eh. so nilagyan ko nalang ng airsupply. ayun buti naman nakarelate.

hehehe...matapos pala to...inisip ko na ang sama ko kasi i suggested songs to him that i thought he could relate to. kasi yung mga collection ko na yun for pop...pero inassociate ko na gusto niya dahil sa sexuality niya. tsk tsk. discrimination.

anyway...matapos maglagay ng songs. okay sabi ko po tapos na. tapos nagligpit at hinintay ko pa siyang mapakinggan kung ayos na ipod niya. kasi pala nung una may nilagay daw boyfriend niya na di niya maintindihan...nyek

so matapos yun, inaalok pa nila ako kung magkano raw ba? ano gusto ko kapalit...meryenda...(tumanggi naman ako. eh wala ring sense. hindi naman kailangan magpalibre o makalibre parati kapag inalok. dapat may timing kayo kaya...) ayun...nung palabas na ako at nagpaalam sa mga taga landbank...sambit ni federico. sige next time, di mo na kailangan pumila...

haay...at talagang hindi na ako pipila.

-------
3rd entry

Moral of the story:
1) nadiskubre ko na siguro kaya ko nagawa lahat ng yong hospitality at friendliness na yun dahil sa dugo kong pilipino. kung umiral siguro dugong intsek ko eh di ko yun pinansin at sinabing mahal ang oras ko or kaya naman eh pagkakitaan ko matapos ang pagtulong. well, inisip ko nga ang mga ganitong situation pero hindi worth it.

2) hindi na ako magaactive sa circuit next year. pahirapan sa undergrad research project at sa darating na pinakamahirap kong sem dahil sa pinakamatrabaho pero masaya na sem. may 53 - para sa difficulty, may mga electives para sa fun pero sobrang matrabaho kasi isasabay pa sa coe115. nakita ko rin ang tcg ko. kumuha ako nung dapat ituloy ko yung P&G pero nagbago nga kasi isip ko...dahil madami pang kelangan gawin...ayun..1.78 ang total gwa at nakita ko ang progress ng gwa ko for every sem. first year first sem 1.21 something...then sa mga sumunod na sem...magkahalong kabobohan (2.7something nung bumagsak ako ng 23) at mga average at good examples (mga 2 - 1.5 averages) at dun nalang nag laro ang grades ko for the past 3 sems. 1.5, 1.7, 1.66...ayun...1.78...sobrang lapit na sa 1.75 at cum laude na.

at dahil nga pangarap kong grumaduate with honors...nararapat ang nararapat. kung di ko makamtan yun, itatatwa ko lahat ng mga ginawang kong choice. (tama ba yung itatatwa...) sayang ang bago kong connectiones sa landbank...hindi ko maisusulit.

oh well, marami pa namang withdrawals na darating. =) sa total na mkukuha na pera for squeeeze...na sa ngayon ay 165,000 pesos (yey! malapit na sa 200,000...ang talagang pinangarap ko nung tumakbo ako na makuha for squeeeze na pera - may darating pa...actually nakuha na siya in a way kasi may reg pa from schools.) kaya nasabi ko kanina na talagang hindi na ako pipila...

ewan ko ba kung ano ang choice ng pagpili ng bangko talaga ng mga tao. ang inisip ko kasi ay yung interest or marr or irr or whatever na natutunan ko sa ce ang dapat na choice. pero hindi naman siguro aware run yung mga tao...tsaka sa competition ng mga bangko, i dont think malaki yung difference between the rates they could offer...ang mga bangko na pinagkakatiwalan namin...banco de oro (kami ni mama for atm), rcbc (para sa family savings account) at pnb para sa family savings din. basta nasa tatlong bangkong ito kami nagtitiwala...bakit kaya walang landbank? anong meron sa landbank?

ayun. buti naman at nakamit ko na rin ang isa sa mga pinaka aim ko nuong nagsimula ako mangampanya...bakit nuon lang? ewan. hehehe secret.

3)dahil din sa pagbabasa ko ng bob ong: bakit baligtad magbasa... kaya ko nasabi na hospitality or filipino bloodline ang umiral nung tumulong ako sa teller ng bangko...pero dahil din sa bob ong narealize ko na...or rather, naisip ko na...meron pa pala akong choice para pumili kung ano ba talaga ang gusto ko maging. dahil according to bob ong at sa mga obserbasyon niya ng opinion ng ibang tao...at ako rin...naisip ko na rin to...hindi clear ang identity ng mga pilipino. walang something distinct sa culture...paano pa pag dumating na ang globalisasyon? sino na ang mga pilipino...haay...malungkot man sa tingin niyo na aminin ko pero ang iniisip ko sa mga ganyang pagkakataon...buti nalang half chinese ako. shet...ang lungkot no...

4) natanong ni maam guev yung pag punta sa ibang bansa ng mga IT specialists natin. cursor ang kausap...basta...the point is...iniisip ko that time...kasi nagbabasa rin ako ng bob ong at napahinto lang sa pagbasa dahil sa natanong...sino nga ba ang gusto pang manatili dito sa pilipinas? ang naisip kong sagot...eh di yung mga taong yumayaman at kumikita sa bansang ito. lahat lang naman ng mga nangingibang bansa ay napagdesisyunan ng wala ng oportunidad dito sa pilipinas. pero i think of it in a positive way...they "could" come back soon after theyve established themselves to create the necessary opportunities for other filipinos. well, the possiblity of could come back is way better than staying here and letting your family get hungry and stupid because your sons/daughters are unable to study.

tapos na po.
my sister is arriving tomorrow! yes! ano kaya pasalubong niya sa akin. sana bagong relos...hehehehehe...

hmmm...
sino ang mas materialistic? chinese filipino or yung pure blooded filipinos (kung meron pa nga bang pure blood.)

No comments:

Post a Comment