Instagram

Friday, October 6, 2006

some things.

[migrated from livejournal]


I never knew for almost 1 month of using our new desktop that it had so much free space in it.
the main drive has 186Gb worth of space. it currently has 169Gb free space.
the backup drive where documents etc are has a total of 149Gb free space. it currently still has 109 Gb free.

No wonder I started downloading anime series. I currently have about 23Gb worth of downloads. that's 5anime series.

Anyway, I just wanted to share. Or more actually hehehe....nevermind.

Some things:
1) Ang weird talaga. Sinabihan ako ni virna na madaldal ehhehe. Well, napaisip ako kung bakit nga ba ako madaldal? Tapos na isip ko kung gaano ba ako kabilis mag type related sa pagiging madaldal ko? Then inisip ko, pwede nga kasi. Yung pag type ko namamatch niya to some extent yung kadaldalan ko so like, parang nagsasalita ako ngayon pero through the fingers eheheh. Ayun lang. Dumadaldal daw ako. Pero...wala namang masama siguro run. Part naman yun ng personality ko. Hehehe.

2) Yey! Tuloy na magextend yung davao trip. Buti nalang namove exam nung mga kasama ko dapat na mag extend. Haay. Sobrang dami pang mga requirements na nakaline up. Promise ko talaga after this coming week, ayusin ko yung dapat na gawin ko for davao. Which reminds me that I should contact Rudolf about it.

3) Eto ang isa sa mga sinabi ko sa kaibigan ko kanina lang. "Realizations without actions mean nothing." Kasi nainis lang ako at some point na marami nga siyang realizations pero wala naman siyang ginagawa para marealize yun. Nasabi ko na nga lang, parang ganito "Ngayon tingnan mo, nagbabackbite ka sa tao which is even worse than kung i confront mo nalang siya at sabi ang nararamadaman mo. Kung galit yun at magsigawan kayo then okay lang yun. it's better than backbiting." Then naisip ko yung drama sa PDAacademy. Sabi ni michelle ata yun basta yung foreigner. "Everybody talks shit about everybody." WEll, that is true. We just dont realize it sometimes.

4) Yey! Napagana namin yung 42 kanina. So, bale, ayun. Maayos na siya at nakakatakot naman yung si sir pj co mag inspect hehehe. Baka kasi ako yung unang nagtapang na tawagin siya sa faculty para sabihin na pwede na po ba kaming mag pa check hehehe. Go Risha! Salamat sa pag defend!! Nafeel ko na tense ka. Salamat! And nikki ehhehe. tapos na 42! Kung nagtataray ako sa inyo minsan ehhehe I apologize. Di niyo naman siguro ininternalize yun. hehehe

5) hectic sobra next week! grabe. Maraming requirements pa tapos yung 121 biglang naging heavy yung requirement hehehe. Ang haba kasi ng experiment 7 and we still have to procure the materials. Pero anyway, kaya yan. I know wivel group will be able to pull it together.

6) Nasabi ko kanina sa tambayan "wala akong sinasamba." Pero I hope the people who heard it dont generalize the situation. When I said it, I was referring to some issues that were recently brought up. Siyempre may takot ako kay Lord. Hehehe. I dont know, the circumstance which lead to me saying it just fit perfectly.

7) What else was I going to say? Oh yes. Di ko pala napost last tuesday was the first day that I managed to skim through the whole length of a Inquirer. Wait. The whole length of a newspaper. I mean I scanned the articles and actually read the materials that were of interest or of general concern. Geez. I learned a lot. Maybe pag next year at raracket na ako para kumita ng pera, I can find the time to regularly read the newspaper.

8) I hope things work out well.

9) Hmm...FR ng circuit dahil namove yung finals ng 43...maging Oct21-22 tuloy. Saturday to sunday yun. Malaking part ng sarili ko nagsasabi na hindi nalang ako pupunta kung gagawin sa laguna. Eh kamusta naman. 3pm yung flight to davao. Ayaw ko naman maging cause ng hysteria ng mga labmate ko kung malate ako. Well, that will be the case kung sa laguna siya gagawin. Kung sa antipolo or something kaya pa siguro kasi manageable lang naman yung layo ng antipolo. Or another alternative is ako na mismo mag approach kay maam gilba and tanungin kung pwedeng friday nalang. Hehehe, siyempre confident akong sabihin na sabihin yun kay maam gilba kasi I aim to be exempted and luckily enough, the chances of that happening is high. Well, I do hope so. 41 lang talaga yung aminado akong nagkulang ako...unnecessary compromise.

10) Tsaran. Tapos na. Ay wait, last nalang. Ewan ko ba talaga. May nagtetext kasi sa akin ngayon na dati ko pa kilala pero nawala ko kasi phone ko so di ko na natetext. hehehe. ewan ko ba talaga ano ginagawa ng mga mems sa phonebook na ginawa ni raffy (Thank you for that project raffy hehehe kahit di ko masyado nagagamit at nakalagay lang sa wallet ko) kasi yung nagtext sa akin, dun nakuha yung number kong bago. Paano nalang yun kung kinakalat nalang ng isang mem. Eh di yung email ad ng mga tao pati number pakalat kalat. Naisip ko tuloy gusto ko pa naman na meron dung full name. Pero I thought to myself...naku mahirap ata yun.

11) For the past days. I've been going home mga 9pm kasi napapatagal ako magstay sa UP conversing with friends. hehehe. a sign na madaldal nga talaga ako. Hehehe. Ewan ko, I noticed that at some points I was the one carrying the conversation. Popular na introduction ko para magsimulang mag loosen up mga tao. Kasi interested akong malaman. Kasi napansin ko marami palang nagcocause ng ngilo sa ibat ibang mga tao. Ako ang ngilo ko kapag sa isang ref may frost sa freezer diba...pag kunwari kukuha ako ng icecream tapos mascrape yung icy surface na parang ewan di siya ngilo sa ngipin pero parang kilig na may dumaan sa spine something like that. Di ako nangingilo sa pag scrape mo kunwari ng fork sa plate or something. Hehehe. Basta. Buti nalang no frost na ref namin ngayon kaya I dont experience that sort of ngilo anymore...Naisip ko rin na...baka genetic manifestations yun eheheh. or baka sa pagbring up. Kasi usually naman yung the way you were brought up yung isa sa mga big factors of why you may react differently from others given certain circumstances. Pero...hehehe...unique ako kasi wala pa akong nakikitang kapareha na nangingilo sa pag naririnig na may nagscrape sa isang icy surface...ay si meiling din wala...yung tunog ng walis tingting on the ground. hehehe.

12) "go ahead be gone with it." heheh ganda ng bagong album ni justin timberlake. yung kay christina aguilera rin matino.

No comments:

Post a Comment