Instagram

Saturday, September 1, 2007

It's about time I tell you that...

[migrated from livejournal]


1

hehehe. yey! after a long time of searching...nakabili na ako ng gusto kong klaseng sweater! dati pa kasi ako naghahanap ng sweater na may zipper at may bulsa at may hood. yung iba kasi na maganda, walang zipper. so yung kelangan mo isuot yung sarili mo parang ganun...yung mahirap suotin and mahirap hubarin. meron namang yung mga may zipper at may bulsa at may hood pero ang papangit ng design ang daming mga tahi tahi ang daming mga di mo maintindihan na design...eh mukhang masyadong "noisy" yung dating nung damit...yung parang masyadong papansin...eh yung hinahanap ko simple lang...

so nakakita kami ng mama ko kanina sa gale...actually, nuon ko pa sila nakita...mahal nga lang...nakakaguilty magpabili...eh kanina yey! nakabili na ako ng dalawa. one is all white and the other is red accented by gray. yung isa gusto ni mama yung isa gusto ko...
hahaha. anyway...finally! kasi last week, naikot na namin ng mama ko buong trinoma, wala talaga kaming makita. pero okay na rin. meron na eh....siguro naman makakapagaral na talaga ako ng fifty three nito.

2

1408 is out in cinemas...grabe...di ko man lang alam na palabas na...its a film based on stephen king's novel. horror!!! hehehe, siguro manuod ako niyan next next week pa pag tapos na yung coe 115.

3

masaya ako at tapos ko na 1st design problem ng 54.
masaya ako at maganda na itsura ng mobot namin kasi binawasan na ng mga wire wires and inayos na ang pagkadikit nung mga circuit...and still...gumagana pa siya.
masaya ako at may bago akong sweaters.
masaya ako at may mga dark chocolates sa bahay ngayon dahil nagpabigay yung kapatid ko...nga lang...ehehe, walang kasamang pera.
masaya ako at...malapit na matapos ang sem! shets isang buwan nalang at mga dalawang linggo tapos na!
masaya ako at...ewan...siguro dahil next sem dalawa na lang subjects ko and i can better explore things in life after graduation.

4malungkot ako dahil ang daming requirements this coming week. exam sa 53, design problem sa 54, mobot contest, coe115.
malungkot ako dahil di ko gusto yung magiging grading system ng ece153...dalawang exam...at dun lang nakabase yung grade mo.
malungkot ako dahil...marami pa akong kelangang aralin para sa 53 at hindi man lang ako makapagsimula dahil inaantok ako.
malungkot ako dahil di gumagana yung site ng tribu-the movie. nagtaka kasi ako kung bakit rated r...eh ngayon di ko naman makita yung site.
malungkot ako dahil nasugatan daliri ko kanina ng isang pin na sinolderan ko ng lead at di ko alam kung bakit may itim sa daliri ko na inakala kong may naiwang lead pero sana naman hindi...ngayon tuloy nagsesearch din ako ng indication of lead poisoning... na sana naman nga hindi ganun yung mangyari...kasi kanina iniisip ko na kung ano gagawin ko sa 53, mobot and 115 kung bigla akong magkasakit...Lord wag po please.
malungkot ako dahil...nagkaroon or meron akong ingrown kanina...kaya tuloy ang hirap maglakad kanina sa eee...tumama pa kasi sa mga nakakalat sa lab.
malungkot ako dahil kanina napakaburara ko sa lab...di ko makita yung masking tape na kakabili ko lang sa coop na dapat nasa lab kasi sabay ko yun dinala sa double sided tape na binili ko.
malungkot ako dahil wala akong magawa ngayon. nakakatamad matulog eh...kasi alam mo gigising ka na kelangan mo mag-aral

5
ang dami pang gagawin! kaya dapat idisregard na lahat ng reklamo sa taas na sinabi ko! simulan na ang dapat simulan!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
pero syempre, tulog muna. pagod eh.

Goodnight!

No comments:

Post a Comment