Instagram

Thursday, December 21, 2006

teka...

[migrated from livejournal]


teka muna:
1. dapat na eexcite na ako sa pag-alis ko pero bakit ganun...di ko pa nafifeel...parang nung sa davao trip di ako masyado excited na sumakay ng plane. pero dati nagkecrave pa akong makasakay ng plane kahit saan mang lugar ako dalhin. ewan. siguro bukas tatama na rin sa akin ang appropriate response. hongkong! im coming!

2. grabe. teka nga. bakit di pa ako nagmamadali. 6:22pm na! may highschool reunion pa kami ng 7pm. at eto pa. sa greenbelt yun! naku! sana di masyadong matraffic. and...naku onti nalang din yung gas. kelangan ko pa humingi ng pera panggas...and extra money in case. haay...bakit kaya ganun...di man lang ako nagmamadali eh dapat atat na atat na ako ngayon. at kita mo naman. nakuha ko pang mag blog. hehehe baka sa isip ko late rin naman yung mga kasama ko darating hahahaha.

3. hanggang sa huli nagtatrabaho ako para sa UP CIRCUIt. haay...grabe naman yung magfollow up hehehe...ayaw ko kasi istorbohin members ko sa kanilang bakasyon kaya ako nag send ng fax sa mga 40+ na kumpanya from last week...maaga naman natapos yung pag fax kahit sampung pages din yun...follow up follow up nalang...pero kani kanina lang...eh nakaplano na dapat mag send naman ako ng email sa ilang mga contacts...eh natsempuhan kong makita na marami pa akong di nasendan ng fax na dapat next year ko pa sesendan na may email naman pala...so...GO! hahaha...sa bilang ko mga 73 rin yung sinendan ko ng email...BCC yung ginawa ko sana tama hehehe...isip ko...nakakahiya naman kung makita nila yung mahabang listahan kung kanino ko pa sinend yung email hahaha...

4. di ko pala naikwento...nung minsan kumain kami sa jacks loft sa may the block hehehe...may batang super gross...yung table kasi sa labas ng jacks loft eh dinidilaan niya...as in hindi yung shy na pag dila pero yung dila na dila as in yung malaking surface area ng tongue niya eh sinaslide niya sa table ehhehehe...gross...kita ko yung mukha ng mom niya hehehe...anyway...masarap sa jack's loft kung di pa kayo nakakain...it's one of the best restaurants na justified yung kamahalan ng food...aliw kasi presentation. kahit mom ko na mahirap ma impress sa mga ganun eh naimpress...hahaha...nakomentan ako ng mom ko bago kami kumain sa jack's loft...
"oh baka na naman sa mga 'libo' na restaurant mo kami dalihin ah..."
sa jack's loft --- tatlo kami kumain...950++
sa chosun --- tatlo kami kumain... 840++ (may 20% discount din kasi dahil bagong bukas) -- masarap pero korean food is not really my type hehehe...mga ilan lang sa mga pagkain nila. ayaw ko kasi sa maanghang.

5. eto ang nakakaaliw na comment ng dad ko tungkol sa pagiging maswerte ng aming pamilya....di naman sa mayaman kami...lahat lang sa 4 ko pang kapamilya, ate, kuya, nanay at tatay ay may trabaho na maayos naman ang kita...kaya ayun...mukha kaming mayaman dahil umaasenso naman talaga ang buhay...dahil sa sipag at tiyaga...anyway...back to what i was saying. comment ng dad ko:

" maswerte yang si gringo (ang aming aso) kumpara sa ibang mga tao (take note: kinumpara ng dad ko ang aso namin sa ibang tao...at ituloy natin) dahil siya inaalagan mo (talking to my mom) at dinadalhan mo pa ng mcdonalds na pasalubong samantala ang ibang mga tao di nakakakain. Iyang si gringo pag di nagustuhan ang pagkain lalabas ka pa para bumili nang di ka mag-alala na magugutom siya pag tulog ka na or umalis ka."

- my comment. totoo nga...spoiled at pampered na pampered ang aming aso...pero sa tingin ko naman lahat naman ng pet owners ganun din mag-alaga sa kanilang mga aso/puso or kung ano man. and malaki ang tulong na naidudulot ng aso na iyon sa aming pamilya. una. well, napasaya niya ang aming bahay. dahil 2 lang naman kami ng mom ko nakatira sa bahay dahil lahat ng iba pa naming kapamilya eh nagtatrabaho sa ibang bansa...bawas kalungkutan para sa nanay ko dahil may gringo kami eheheh...
- sana lahat ng tao sa pilipinas maranasan din ang uri ng buhay na meron kami...kasi...sa tingin ko lang, ideal state of living na ang tinatamasa namin. pero dahil di naman ako ganung uri ng tao, naghahangad pa ako ng iba. naghahangad na mas umasenso pa.
- masasabi ko, dahil nakita ko, lahat ng tao kayang umasenso basta't may pinag-aralan at may sipag at tiyaga - hahah i know how cliche that sounds pero kaya nga siya cliche kasi totoo.

6. teka nga. 6:36 na! kelangan ko na maligo at magbihis at pumunta sa aming highschool reunion hahaha...kelangan ko rin kasi malaman kung may pupunta sa kanila sa hongkong para alam ko kung pwede ko sila ma meet or something. at mamaya naman...overnight ako sa condo ng tita ko sa greenhills along with my other cousins who are going to hongkong.

7. teka nga. may nalilimot pa ba ako? hmm...ay oo nga pala. sana wala kasi nanay ko magiimpake ng mga gamit ko. hinanda ko na naman yung mga damit ko pero...ah! oo nga pala. yung 51 kong mga lectures kelangan ko baunin kasi may homework pag-balik.

8. sana pag balik ko sa january 2, manumbalik na ang sigla ko sa pag-aaral hahaha...kung di nahahalata ng mga tao. aaminin ko na, di ako masyado nag-aaral nung nagsimula ang semestreng ito. eh kasi ba naman, may christmas break at engg week na nakalagay sa gitna.

9. ang haba ng entry ko...sa lahat nga pala ng magtetext sa akin, pasensya na kasi di ko pa alam kung paano iactivate yung roaming...so di ko alam kung mareceive ko ba text niyo at kung makareply ako (kung importante man ang text niyo) at...kung maactivate ko naman yung roaming, pasensiya na kasi di ko alam kung magkano yung rates.

MErry Christmas sa inyo at Happy new year na rin! =)

No comments:

Post a Comment