Instagram

Thursday, December 21, 2006

teka...

[migrated from livejournal]


teka muna:
1. dapat na eexcite na ako sa pag-alis ko pero bakit ganun...di ko pa nafifeel...parang nung sa davao trip di ako masyado excited na sumakay ng plane. pero dati nagkecrave pa akong makasakay ng plane kahit saan mang lugar ako dalhin. ewan. siguro bukas tatama na rin sa akin ang appropriate response. hongkong! im coming!

2. grabe. teka nga. bakit di pa ako nagmamadali. 6:22pm na! may highschool reunion pa kami ng 7pm. at eto pa. sa greenbelt yun! naku! sana di masyadong matraffic. and...naku onti nalang din yung gas. kelangan ko pa humingi ng pera panggas...and extra money in case. haay...bakit kaya ganun...di man lang ako nagmamadali eh dapat atat na atat na ako ngayon. at kita mo naman. nakuha ko pang mag blog. hehehe baka sa isip ko late rin naman yung mga kasama ko darating hahahaha.

3. hanggang sa huli nagtatrabaho ako para sa UP CIRCUIt. haay...grabe naman yung magfollow up hehehe...ayaw ko kasi istorbohin members ko sa kanilang bakasyon kaya ako nag send ng fax sa mga 40+ na kumpanya from last week...maaga naman natapos yung pag fax kahit sampung pages din yun...follow up follow up nalang...pero kani kanina lang...eh nakaplano na dapat mag send naman ako ng email sa ilang mga contacts...eh natsempuhan kong makita na marami pa akong di nasendan ng fax na dapat next year ko pa sesendan na may email naman pala...so...GO! hahaha...sa bilang ko mga 73 rin yung sinendan ko ng email...BCC yung ginawa ko sana tama hehehe...isip ko...nakakahiya naman kung makita nila yung mahabang listahan kung kanino ko pa sinend yung email hahaha...

4. di ko pala naikwento...nung minsan kumain kami sa jacks loft sa may the block hehehe...may batang super gross...yung table kasi sa labas ng jacks loft eh dinidilaan niya...as in hindi yung shy na pag dila pero yung dila na dila as in yung malaking surface area ng tongue niya eh sinaslide niya sa table ehhehehe...gross...kita ko yung mukha ng mom niya hehehe...anyway...masarap sa jack's loft kung di pa kayo nakakain...it's one of the best restaurants na justified yung kamahalan ng food...aliw kasi presentation. kahit mom ko na mahirap ma impress sa mga ganun eh naimpress...hahaha...nakomentan ako ng mom ko bago kami kumain sa jack's loft...
"oh baka na naman sa mga 'libo' na restaurant mo kami dalihin ah..."
sa jack's loft --- tatlo kami kumain...950++
sa chosun --- tatlo kami kumain... 840++ (may 20% discount din kasi dahil bagong bukas) -- masarap pero korean food is not really my type hehehe...mga ilan lang sa mga pagkain nila. ayaw ko kasi sa maanghang.

5. eto ang nakakaaliw na comment ng dad ko tungkol sa pagiging maswerte ng aming pamilya....di naman sa mayaman kami...lahat lang sa 4 ko pang kapamilya, ate, kuya, nanay at tatay ay may trabaho na maayos naman ang kita...kaya ayun...mukha kaming mayaman dahil umaasenso naman talaga ang buhay...dahil sa sipag at tiyaga...anyway...back to what i was saying. comment ng dad ko:

" maswerte yang si gringo (ang aming aso) kumpara sa ibang mga tao (take note: kinumpara ng dad ko ang aso namin sa ibang tao...at ituloy natin) dahil siya inaalagan mo (talking to my mom) at dinadalhan mo pa ng mcdonalds na pasalubong samantala ang ibang mga tao di nakakakain. Iyang si gringo pag di nagustuhan ang pagkain lalabas ka pa para bumili nang di ka mag-alala na magugutom siya pag tulog ka na or umalis ka."

- my comment. totoo nga...spoiled at pampered na pampered ang aming aso...pero sa tingin ko naman lahat naman ng pet owners ganun din mag-alaga sa kanilang mga aso/puso or kung ano man. and malaki ang tulong na naidudulot ng aso na iyon sa aming pamilya. una. well, napasaya niya ang aming bahay. dahil 2 lang naman kami ng mom ko nakatira sa bahay dahil lahat ng iba pa naming kapamilya eh nagtatrabaho sa ibang bansa...bawas kalungkutan para sa nanay ko dahil may gringo kami eheheh...
- sana lahat ng tao sa pilipinas maranasan din ang uri ng buhay na meron kami...kasi...sa tingin ko lang, ideal state of living na ang tinatamasa namin. pero dahil di naman ako ganung uri ng tao, naghahangad pa ako ng iba. naghahangad na mas umasenso pa.
- masasabi ko, dahil nakita ko, lahat ng tao kayang umasenso basta't may pinag-aralan at may sipag at tiyaga - hahah i know how cliche that sounds pero kaya nga siya cliche kasi totoo.

6. teka nga. 6:36 na! kelangan ko na maligo at magbihis at pumunta sa aming highschool reunion hahaha...kelangan ko rin kasi malaman kung may pupunta sa kanila sa hongkong para alam ko kung pwede ko sila ma meet or something. at mamaya naman...overnight ako sa condo ng tita ko sa greenhills along with my other cousins who are going to hongkong.

7. teka nga. may nalilimot pa ba ako? hmm...ay oo nga pala. sana wala kasi nanay ko magiimpake ng mga gamit ko. hinanda ko na naman yung mga damit ko pero...ah! oo nga pala. yung 51 kong mga lectures kelangan ko baunin kasi may homework pag-balik.

8. sana pag balik ko sa january 2, manumbalik na ang sigla ko sa pag-aaral hahaha...kung di nahahalata ng mga tao. aaminin ko na, di ako masyado nag-aaral nung nagsimula ang semestreng ito. eh kasi ba naman, may christmas break at engg week na nakalagay sa gitna.

9. ang haba ng entry ko...sa lahat nga pala ng magtetext sa akin, pasensya na kasi di ko pa alam kung paano iactivate yung roaming...so di ko alam kung mareceive ko ba text niyo at kung makareply ako (kung importante man ang text niyo) at...kung maactivate ko naman yung roaming, pasensiya na kasi di ko alam kung magkano yung rates.

MErry Christmas sa inyo at Happy new year na rin! =)

Sunday, December 17, 2006

pagod


[migrated from livejournal]



for the past two days, i have almost done nothing else but sleep.


grabe. i just looked at a mirror and parang namamaga na mata ko sa sobrang tulog hahaha..


anyway.


ENGG WEEK - tapos na. masaya naman. so what kung 6th. basta nag enjoy naman kami and marami pang room for improvement...and that's a comforting thought. natikman na naman namin ang 5th hahaha...
sayang nga lang natulog lang ako nung christmas party ng circuit. pagod eh.


hahah napakaiksing entry.


anyway...yey! tuloy na tuloy na ako sa pag-alis.


dec 22 8:10 am. exciting! - dec 21, 7pm ... may hs reunion kami...hahah sana di naman ako mapuyat.


Merry Christmas sa lahat!

Monday, December 4, 2006

pre-christmas extravaganza

[migrated from livejournal]


my brother arrived last wednesday - nov 29.
nov 29. hahaha it was the same day that i presented in irc my ieee report. and man oh man. im telling you(!) that report was the report i crammed the most. i only did the powerpoint presentation an hour before and finished it minutes before reporting. well, you can blame everything on my obsessive compulsiveness. i put my report in some document, did some notes, and eventually dozed off. i was even considering presenting the actual paper in pdf! hahaha.

that same evening, my brother arrived here in the philippines. - there was no traffic. thank God. and then we ate at some korean restaurant near UA&P. we happened upon it by accident. the edsa traffic was so heavy that we just decided to eat someplace close by...and...the thing is...it was already quarter to 10 or i think mga ten na nga ata yun. hahaha...grabe! authentic korean restaurant nga. they even brought out coals and like barbeque-d the beef and pork we ordered in front of us. parang taco style of eating yung way pala...may mga side dishes or whatever na kasama na serve and you can modify the meal according to however you want to eat it. grabe - busog...then we ordered some starbucks - heheheh extravagant diba. and nanay ko pa nagvolunteer.

NOTE TO SELF:
(*) pag nagtatrabaho na ako, siguro mas magiging maluho pa yung pamilya ko hehehe. imagine, kasi yung mom ko kaya lang naman ata siya nag treat ng ganun dahil alam niya na gusto ng kapatid ko ng starbucks frap etc...kaya ako naman during that time, inabuso ko and suggested drinking there hehehe...more on this exceptional observation on my mom's behavior later.

nov 30-dec1
we were supposed to get prepped up for the ece conference that thursday - i didnt have any class so i had my hesistation of going to school...so i didnt. buti nalang din kasi napostpone naman din pala yung conference na presentation naman supposedly on dec1 to dec8. oh well, more free time for me then. so i just spent the days playing dota and just unwinding....

and dumating nga pala relatives namin friday evening =) they brought a dog with them hehehe...mataray. hehehe gusto niya siya yung sumasampa sa aso namin pero babae naman...then pag yung si gringo na...magagalit at tatahulan si gringo hheeheheh...

dec2
gringo's birthday! gringo's our dog you see...and my mom is just head over heels sort of loving our dog...gringo is turning out to be a younger brother hahahah...well...mas expensive nga lang. so since it was his birthday, we decided to have him groomed. and so...para bago naman at nagsasawa na kami sa tiendesitas...sa greenhills kami nag punta. ayun...grabe that saturday was so traffic! napagod ako ah. mga 1hour plus plus minutes akong nagdadrive sa edsa. tanga ko kasi dapat nag katipunan nalang then santolan. so much better. ayun. gringo had himself groomed...for the price of 600pesos! mahal diba. pero worth it naman kasi yung gratification na nabibigay niya sa mom ko malaki laki na rin. gringo you see makes up for my "absence" at home. parati kasi akong nasa up kaya ayun hehehe...siya ang pumapalit sa role ko sa bahay pag mama ko lang nandun. =)

grabe rin pala nung saturday na yun. christmas na christmas na. bumili kasi kapatid ko ng 40 dvd-r and...nakita ko yung flash disk and...naalala ko...nun pa nga pala ako tsumetsempo sa nanay ko magpabili ng flash disk...and...heheheh ang daming computer shop so i took the opportunity to ask my mom to get me my very own flash disk. i actually have an mp3 (creative zen) that could double as a flash disk pero kasi female siya so kelangan ko pa magdala ng female-male converter sort of na wire. so ayun..then bibili pala ng magic sing mom ko for my sister in guam - sort of my mom's christmas gift for my sister there...then...nakita ko superman and davinci code dvd...two movies i have not yet seen! hahaha...dati kasi wala akong makitang pirated...so i took the opportunity to ask my mom to buy it for me. - i even hitned, magustuhan ni papa yang dvd.

000---and so i have those dvd! then we ate at terriyaki boy and saw baron geisler who my mom mistook for ara mina's boyfriend - i forgot his name. then we went and fetched gringo hehehe...nilagyan ba naman ng ribbons sa tenga! hahaha...

oh my brother and i tested the magic sing --- i suck. ---more practice needed. i also need to expand my song vocabulary hanggang mga 70s. para classic mga kinakanta ko and tamang tono kasi familiar na ako sa kanta

dec3
did nothing for this day except compile the contacts for marketing...ayun...i also watched nga pala superman - ang astig pero parang ang haba ng oras pero naiksian ako. gets niyo yun?

-ayun nga rin pala. binilihan ako ng kapatid ko ng harry potter dvd na goblet of fire...so kumpleto ko na so far yung harry potter dvds!

and my brother also bought me and my laptop a cordless mouse! hehehe...dapat bluetooth mouse sana pero he wasnt able to find any....ang astig naman eh! hehehe i didnt know double A batteries could last for 1 year...well...the package for my mouse says they would...and i am hoping that they would....ay correction...i already know pala pero nalimot ko lang. naalala ko lang kasi bigla yung remote controllers ahhaha...tanga tanga...

dec4
oh, mag dedecember 4 pa nga lang pero may plano na...entry hehehe
-update update.
-meeting at 4

dec5
grabe....classes na naman! after 5 days! hahaha...it just hit me. technically dapat 3 days lang ako may pasok...pero maging 4 na ulit dahil yung ee275 change sked na naman...and basta ang point ko...what hit me was that...yung sked ko sobrang luwag to the point na parang nagbabakasyon ako habang may classes...i hope walang negative effect yung sked ko ngayon sa performance, if anything, it should better my academic performance...oh...

for december 5 more classes. starts 7am - ends by 530


AND SO...
meron na lang akong 20days here in the philippines and i am off!! yes! naeexcite na ako...engg week na!!!!! wooohooo!!! hehehe...naexcite bigla....so...after ng engg week...i need to plan some party with my friends so that before i head to hongkong, dami akong baong great memories...

ps: di na ako mag check ng entry hahaha...kung may mali mali akong tinype at gusto mo ipoint out...kindly do so. =)